You're so nicey.
Minsan lang ako makakita ng Greek god. Nasa first anniversary siya ng WaZZup kahapon.
Cadbury and I knew he'd be there. We just didn't expect to bump into him. I was speechless. Ang guwapo ni Piolo Pascual.
Oo na, ang baduy na, wala na'kong pakialam. It was the same sensation I had when I saw Richard Gomez sa office back in college. He was so tall, and had this aura na parang hello, i could melt right away. And those brown eyes, parang nanghi-hypnotize, nagka-cast ng spell or something. Very beautiful.
Tough act na mag-behave na parang wala lang in front of Piolo. Yung kay Jericho wala lang eh. He was cute and all pero si Piolo iba talaga. Hindi naman ako nabibighani sa iba pang mga artistang lalake, pero pagdating sa kanya, nababakla talaga 'ko. Speechless.
O siya, tama na yan.
Bible study ulit kami last night. We arrived late, dahil na nga rin sa WaZZup anniversary. We were all warmly welcomed by the group naman. President Kwai almost brought me home again, but Des and I insisted that he drop us at Greenbelt instead. The Coffee queen needed vitamins, so sinamahan ko na siyang mag-Starbucks. As always, the place was filled with pretty, fancy puppets and wannabes. Professional whores and social climbers.
Harsh harsh harsh.
Hehe, yun lang naman.
Usapang opisina:
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makuha kung bakit kinailangang magpalit na naman kami ng sistema sa opisina.
Hindi ko alam kung sino ba talaga ang pinapaboran ng mga pagbabagong yun, and i am not sure if it will really work. Pero parang wala naman ako sa tama (at matatag) na posisyon para tutulan yun. At naisip ko rin naman, why not welcome change if it can solve all our peoblems di ba?
It's pathetic.
We all have to suffer dahil lang sa kawalan ng konsiderasyon, at respeto ng ilan.
Look, I'm not trying to sound na parang ang linis-linis ko, I've had my share of mistakes. Pero at least, I can say na wala naman akong ginawa para masira at mapabagal or maapektuhan ang trabaho ng mga kaopisina ko.
A few changes should be made but i don't see the point in making such a drastic move. Parang bigla-bigla ang mga pangyayari. We had a one-hour meeting and then Voila!, may bago na naman tayong batas, naamyendahan na naman ang konstitusyon.
HIndi ko rin alam kung ako ba talaga ang may problema, kung masyado lang talaga kong mabagal kaya hindi ako makasunod. But something's telling me na parang may mali talaga. I was looking at them while they were trying to come up with this new set of rules and I was wondering kung bakit parang andali-dali lang kapag pinag-uusapan nila. Madali namang mag-advance ng load...dapat by thursday tapos na ang lahat...the 2 pm cut-off must be followed...wag pahirapan ang PA, never take advantage of their kindness...parang ang sama-sama ng mga non-PA's and non-gfx artists. Bakit ganon, parang may mali. 
I have already reconciled with the idea na may favoritism sa loob. Na kahit anong pagpupursigi ang gawin mo, it would be hard to make your boss see that, especially if there are still people that you're constantly compared to. Getz mo? At ang masakit dun, kapag yung favoritism na yun eh pumasok sa ulo nung mga paborito at nagagamit yun to make them untouchable. It's like this invisible cloak ala Harry Potter, na parang kahit obvious naman na that person still has flaws of his own, parang hindi na siya nakikita ng lahat. Parang pwede na lang siyang magkamali ng basta-basta, and it will be ok.
Nope, hindi ako naiinggit. Alam ko kung kelan ako naiinggit eh, at hindi ito ang moment na yun.![]()
You know what, I hate it when people do not practice what they f**cking preach.
Lalo na kapag sobrang bilib na bilib pa sila sa sarili nila kapag nagmamando, as if they really know what they're talking about. Alam mo yun, di ba nakakainis? Ganun kasi ako eh, madali akong magbigay ng respeto sa isang tao pero hindi yun nangangahulugan na magtatagal ang respetong yun. You have to prove to me that you deserve my respect.
Panunumbat ba'ng tawag sa ginagawa ko? Or pag-identify ng injustices? 
The Atenean eyebrow shares the same view. Mas malawak nga lang ang perspektibo nya. Pero mas vocal siya pagdating sa pagbabahagi ng opinyon nya. Im glad he agrees with me kahit papaano, at least hindi rin naman pala ko baligtad mag-isip.
You're probably wondering, why not speak up? Hindi ko rin alam eh. Kahit open sa mga suggestions ang boss ko, parang sa bandang huli, he'll still win. Palagi siyang may counter-argument, parang nakakaubos na ng enerhiyang sumagot minsan.
Ay nako. 
Speaking of the Atenean eyebrow, it's confirmed. Last Friday he showed me this piece of paper that had the details of his flight to Singapore. I guess this is it na talaga, iiwan na niya kami. Pero sa totoo lang, masaya ako para sa kanya, dahil alam kong mas may magagawa siyang kapaki-pakinabang kesa maburo sa office at gumawa ng mga plugs. You should hear him talk about his plans. I can't wait to see my bosses' faces when he drops the bomb.
Cadbury's also planning to leave this year. And so is Claudine. Pati si dahling aalis din. Pero yung mga matatagal na, they're still showing signs na they'll stay.
Yun ang pinagtatakahan ko eh. Bakit sila na matagal na, wala namang balak humanap ng bagong trabaho. Dahil ba sa kuntento na sila sa ganoong tipo ng work, o dahil gusto lang talaga nila ang ginagawa nila.
Is it possible to edit plugs for the rest of your life?
Don't get me wrong ha, I love my job. It's routinary but since i'm a sucker for routines, mahal ko siya. I enjoy doing the things i do now, and in fairness, i have fallen in love with most of the people i'm working with everyday. Pero minsan, dumarating sa point na tinatanong ko yung sarili ko, what's in it for me?
Yun lang naman.
By the way, bati na kami ng mga kaaway ko. 
1. I'm currently seeing this group of five equally handsome men with their not-so-handsome voices, i'm immediately reminded of their awful, awful show. Nice actors, stupid comedians. When will ABS ever realize that?
2. Pope John Paul II has just died. Nung friday night pa'ko nakaantabay. Yes, I am affected. Gaya nga ng sinabi ko sa kay mr. angsty-melancholic friend, sino ba naman ang matutuwang magbilang ng oras ng isang taong naghihingalo di ba? Ke pope pa siya o hindi. And besides, the man did a great job. Even if his death was widely expected, it still felt too soon. Pero gaya na rin ng sinabi ni Cadbury, at least he's with his great-big bossing now, finally at peace.
3. Funny how mr. angsty-melancholic friend felt too guilty for supposedly being too insensitive about this whole thing. I told him not to be to hard on himself, iba-iba naman ang take ng tao diyan. Di raw kasi niya ma-getz kung bakit sobrang apektado yung isa niyang friend, na nag-cancel ng scheduled lakad nila just because he was feeling too down and somewhat guilty about the pope's condition. Maybe his friend was just being so emotional, sabi niya baka nga.
4. Odessa is having work problems. Magsasara na raw kasi yata yung account nila. Hindi ko alam kung hindi na siya malilipat sa ibang accounts. Sana naman oo, i mean andami niyang pinagkakagastusan din, and nakakainis yun since she's in this go-anywhere mode. Pa'no ka naman maglalakbay kung saan-saan kung wala kang gasolina di ba? Nanganganib ang BORA trip namin.
5. Work issues pa rin. The Atenean eyebrow dropped a bomb while we were pigging out at DannyLicious (yumyum) last Friday. Alis na raw siya sa June. His mom bought him a ticket back to Singapore pero wala pa raw kasiguruhan if he's gonna work there. He has always been vocal naman about wanting to work in an ad agency, i just didn't think that it'll happen too soon. But i'm happy for him, i'm sure he's gonna do great. Will i miss him? Siyempre naman! Sabi ko nga, walang kwenta ang pelikula kung walang kontrabida. And parang maninibago naman yata ako bigla kung wala nang mambubwisit sa'kin.
6. The Atenean eyebrow also reported na mayron pang isang taga-opisina na magbababoo na this month. But he wouldn't tell kung sino. Hello?! Kawawa naman kami, kanino ibibigay ang mga iiwan nilang trabaho?!
7. Hubs says he's falling in love again. I told him not to at this time, he has to focus on his other priorities muna. He's not getting any younger, kailangan na niyang mag-seryoso.
8. Jimi and I are arguing again. But i have a better back-up now. So hindi na'ko apektado. And Playmate's right, whoever takes Jimi seriously? Tama eh, kahit pa magaling bumasa ng personalidad ang isang tao, he/she doesn't have the right to tell you who you really are and what you're supposed to be like.
9. Mainit ang panahon. I miss the rainy days.
10. Cookie already knows.
Nangyari na'ba sa'yo yung sobra kang nabubwisit dahil sa sobrang liit at halos walang wawang bagay? Ako oo, ngayon.
Sobrang sama ng loob ko, sobra akong galit, parang gusto kong sabunutan ang unang taong kakausap sa'kin. Napipikon ako, nabubwisit ako!
I hate disappointments. Yun ang isa sa mga bagay na hindi ko ma-handle ng tama. Ayoko ng pinapaasa. Lalong pinaka-ayoko nung magsi-set ka ng isang bagay, kokontratahin mo 'ko, you'll make me prepare for it, you'll make me get up early, you'll make me dress up pagkatapos hindi matutuloy. Ayoko ng mga planong hindi tinutupad. Ayoko rin ng malalabong usapan. Naiinis ako, up to the point na parang gusto ko na ngang magwala.
Napaka-petty naman nung dahilan kung tutuusin. Ang babaw. Nainis lang ako dahil nandun na kami eh, tapos biglang mababago. I hated the way my cousin unleashed her 'bratinella' powers this morning. Nakakainis. I knew she just wanted to piss me, pero sobra na talaga. Nakakatawa, a 9-year-old making me talk like this. Pero hindi ko talaga nagustuhan. Kung wala lang dun ang nanay niya, at kung hindi ko lang siya kamag-anak, i might have pulled her hair so bad, and probably strangled her until her eyes popped out. Ganon ako kagalit. Hello happy tree friends!
People usually commend the way I handle kids. Mahilig kasi ako sa bata, i love being with them and doing stuff with them. I'm cool with my nephews and nieces, tuwing may gathering nga sa bahay, para 'kong nanny/kalaro nila. Pero Bea's different talaga, siguro dahil pareho kaming mag-isip. She's the ultimate killjoy i know. Dun kami nagkaiba. Kung siguro nga magkasing-edad lang kami ngayon, and she said the same things na sinabi niya kanina, siguro pinagsasabihan na kami ng lola ko ngayon.
I was so mad naiyak na lang ako. Ang babaw talaga pero yun yung tipo ng iyak na hindi mo makontrol. Yung dire-diretso lang sa paglabas. Yung iyak-bata ba. Yung parang may kasabay na mabibigat na buntong-hininga, yung sobrang sakit sa dibdib. Yung nagri-rewind pa sa utak mo yung mga nangyari.
A 75-pound kid, nakuha akong paiyakin ng ganito. Funny.
It feels great to sit in front of my computer again. Matagal-tagal ko na rin 'tong hindi nagagamit. When I cleaned it last January, akala ko nasira na yung modem ko dahil sa tagal ng hindi ko pagbubukas ng PC. When I tried it again last night, I was surprised to find out na masyado lang palang 'loose' yung connection nung cable.
It's Good Friday today. Bawal ang meat siyempre. Pritong tilapia for lunch, not bad. I wasn't in the mood to eat anyway. I'm not even in the mood to do anything. Ayokong maligo. Ayokong magsuklay. Parang gusto ko lang matulog, manood ng TV. Di ko alam.
I haven't blogged for quite some time. I was too tired to write about how I felt. Maybe there was really nothing exciting to write about. Pero nakakatawa ha, hindi ko rin naman masabing walang magandang nangyari nitong mga nagdaang buwan.
My job still demands a whole lot from me but I've learned to love it more. Minsan, may mga scripts pa rin na hindi maisulat dahil may mga ideya pa ring ayaw lumabas. Andun pa rin yung mga frustrations. Doubts kung kaya mo ba talagang bumangga sa mga senior producers at kung papaano mo mapapatunayan sa boss mo na meron ka talagang ibubuga. Sana tama pa rin yung reasons ko why I stay: dahil sa mahal ko talaga yung trabaho at hindi dahil eto na ang kumportable para sa'kin.
Nakakainis ang mga networks ha. Yung 'kapuso' at 'kapamilya' (siyempre di kasama ang 'kabarkada' dun dahil yun ang nagpapa-sweldo sa'kin, hehe). Tama ba namang halos walang pinagbago sa program lineup kahit na Biyernes Santo?! Susmarya, may Wowowee?! You expect people to contemplate when you show programs that scream fun and absolute noise? Nasan na yung katahimikan dun, hello! At talagang hindi uso sa kanila ang ceasefire ha!
Iba na talaga kapag pera ang pinag-uusapan.
As always, my phone's turned off. At least napapangatawanan ko talaga di ba? Hindi naman siya mahirap gawin. I just pray na sana eh walang super important calls or messages. Pero keber, kaya nga sakripisyo di ba? Yun ngang boss ko nakakayang wag magsalita ng isang buong araw tuwing Biyernes Santo. Ano naman yung sakripisyo ko kumpara dun sa kanya di ba?
Sina Tonia at Des nasa Bora ngayon. Di ko lang alam kung nagkita na sila. Ang mga hitad, ang sosyal! Hmm, sarap siguro ng tubig. Sana matuloy din kami nina Hubs at Odessa sa June, kapag may pera na'kong mawawaldas. Nakakainis nga lang mag-bora or galera ngayon dahil sa sobrang dami ng tao, parang city na rin. Parang hindi na rin siya getaway if you'll bump into the same faces na nakikita mo sa siyudad ryt?
Haay. I wanna leave Manila. Gusto kong mag-ukay sa Baguio, take pictures in Vigan and Corregidor. Rock climbing sa Palawan ala Amazing Race. Makakita ng tarsier sa Bohol.
I wanna shop in Hongkong and Chatuchak. I wanna see the Eiffel Tower, the Leaning Tower. Maglakad sa Great Wall, makita ang Big Ben. Walk the streets of New York. Hay nako, kung mura lang ang pag-alis. Or kung mataas lang sana ang sweldo ko.
Basta, siguro nga tama rin na umpisahan ko na'ng lumabas at mag-explore-explore. Maybe going to Boracay this June would be a good start.
Ang luwag ng kalsada ngayon. Parang ang sarap ilabas ni Fifi. There's a slimmer chance na maibangga ko siya. I can even bring her to SM now, practice parking kumbaga. I'm still a struggling driver, na hindi marunong mag-reverse. When will Fifi ever hit EDSA? And when will my friends ever get to meet her?
O siya sige na, mahaba na'to.
today
April 2005
March 2005
December 2004
November 2004
October 2004
September 2004
August 2004
July 2004
June 2004
May 2004
April 2004